Ang mga Alituntunin At Magagandang Kaugalian SA Islam

 

The Sunnah Islamic Pahe
Contact Us 
P.O.Box: 28774 Safat
State Of Kuwait

 

ÃÍßÇã  æÂÏÇÈ  ÅÓáÇãíÉ

ÔÚÈÉ ÊæÚíÉ ÇáÌÇáíÇÊ ÈÇáÒáÝí 

Isinalin ng: Zulfi Foreigners' Guidance Office

P.O. Box: 182 Zulfi 11932

Saudi Arabia

Tel.: 06 4225657

Fax: 00966 4224234

 

     Ang mga Alituntunin 

At Magagandang Kaugalian SA Islam

 

 

Ang Mga Nilalaman

 

BILANG                                                         PAKSA                                   PAHINA

 

       Ang Panimula                                                                                                       3

1.    Ang Katapatan at Takot kay Allah                                                                     4

2.    Ang Shirk at angTawheed                                                                                   5

3.        Ang Panganib ng Pagpapakitang-tao                                                                  6

4.        Ang Panalangin                                                                                                    6

5.        Ang Karunungan                                                                                                  7

6.        Ang Pag-aatas Sa mabuti at Pagbabawal Sa Masama                                      8

7.        Ang Wastong Pag-aatas Sa Mabuti at Pagbabawal Sa Masama                      9

8.        Ang Pagiging Mabuti Sa mga Magulang                                                          10

9.        Ang Kagandahang-asal                                                                         11

10.    Ang Kahinahunan at Kabaitan                                                              11

11.    Ang Awa                                                                                                             12

12.    Ang Pagbabawal Sa Pang-aapi                                                              12

13.    Ang Kabanalan ng Buhay  Muslim                                                                   13

14.    Ang Karapatan ng Muslim                                                                                14

15.    Ang Karapatan ng Kapit-bahay                                                                        14

16.    Ang Pagiging Mapanganib ng Dila                                                                   15

17.    Ang Pagbabawal Sa Panlilibak                                                              15

18.    Ang Katapatan Sa Pagsasalita at ang Kasinungalingan                                  16

19.    Ang Pagbabalik-loob kay Allah                                                             17

20.    Ang Pagbati                                                                                                        18

21.    Ang Kagandahang Asal Sa Harap ng Pagkain                                     19

22.    Ang Paggamit ng Palikuran                                                                               20

23.    Ang Pagbahin at ang Paghikab                                                             21

24.    Ang Pag-aalaga ng Aso                                                                                     21

25.    Ang Pag-aalaala kay Allah                                                                                22

26.    Ang Kaibigan                                                                                                     23

27.    Ang Pagtitiis                                                                                                       23

 

 

 

Ang Panimula

 

Ang Papuri ay kay Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang. Ang Pagpapala at pagbati ni Allah ay sumakay Muhammad at gayon din sa lahat ng kanyang mag-anak at mga kasamahan.

 

Inihahandog namin sa iyo , kapatid na Muslim, ang aklat na ito na tumatalakay sa ilang mahahalagang  bagay tungkol sa pananampalatayag Islam na kailangang  malaman ng bawat Muslin at isagawa sa abot ng kanyang kakayahan upang masunod ang mga alituntunin ng Islam.

 

Ginawa naming maikli ang aklat na ito upang maging madaling basahin at unawain. Dapat na iyong mabatid na ang aklat na ito ay magbibigay sa iyo ng maliit lamang na bahagi ng bawat paksa at hindi nito tatalakayin ang lahat ng mga patakaran at alituntunin na may kaugnayan sa paksang iyon. Bumatay at sumipi kami sa banal na Qur’an at sa Sunah ng Propeta (SAS) na siyang dalawang pangunahing pinagkukunan ng mga katuruan ng Islam.

 

Hinihiling namin kay Allah na nawa’y makinabang ang babasa sa aklat na ito. Hinihiling din namin sa Kanya, luwalhatiin Siya, na nawa’y tulungan Niya kami na makapaglathala ng iba pang mga aklat na maglalaman ng higit na maraming detalye.

 

Ang Kapayapaan at pagpapala ni Allah ay matamo ng ating Propeta na si Muhammad.

 

 

1.       Ang Katapatan at Takot kay Allah

 

Ang sabi ni Allah: At walang ipinag-utos sa kanila kundi sambahin nila ng tapat si Allah at Siya lamang ang sundin. ( 98:5)

 

“Sabihin mo, ‘ Si Allah ang sinasamba ko nang tapat at Siya lamang ang aking sinusunod.’    (39 : 14)

 

Sabihin mo, ‘ Kung itago man ninyo ang nilalaman ng inyong mga puso o ipahayag ito, malalaman  pa rin   ito ni Allah.’ (3 : 29 )

 

Tunay na kay Allah ay walang maitatagong anumang bagay, sa langit man o sa lupa. (3 : 5 ) 

 

Ang sabi ni Umar ibn al-Khattab (RA):* “ Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS)** na nagsabing,’ Ang halaga ng mga gawa ay nakabatay sa mga layunin at ang bawat tao ay gagantimpalaan ayon sa kanyang nilalayon, kaya ang sinuman na lumikas alang-alang kay Allah at sa Sugo Nito, ang  kanyang paglikas*** ay para kay Allah at sa Sugo Nito. At ang sinuman na lumikas alang-alang sa  makamundong  bagay upang ito ay makamit o alang-alang sa isang babae upang ito ay mapangasawa, ang halaga ng kanyang paglikas ay ayon sa kanyang ginawa.’

 

Ayon kay Abu Harayrah (RA), sinabi ng Sugo ng Allah na: Hindi tinitiningnan ni Allah ang inyong mga katawan ni ang inyong mga anyo subalit ang tinitingnan Niya ay ang inyong mga gawa.

 

Ayon kay Abu Dharr (RA), sinabi ng Sugo (SAS) na: “Ang taong higit na  karapat-dapat sa aking pamamagitan sa araw ng paghuhukom ay ang nagsabi ng “LA ILAAHA  ILLALLAH” ( walang tunay na Diyos kundi ang Allah) nang tapat mula  sa kanyang puso.

 

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah(SAS) na : Matakot kay Allah saanman ka man naroon. Pasundan mo ang masamang gawa ng mabuting gawa na bubura rito. Pakitunguhan mo ang mga tao ng mabuting asal.

 
Ang mga Aral

 

1.      Ang katapatan at ang kondisyon upang matanggap ang mabuting gawa at ang dahilan kung bakit pinararami pang lalo ni Allah ang gantimpala ay nakasalalay dito.

2.      Si Allah ay hindi nangangailangan ng katambal sa pagsamba at hindi Niya tatanggapin ang anuman kung hindi rin lamang tapat na ginawa alang-alang sa Kanya. Ito ay batay sa sinabi ni Allah Sa Hadith  Al-Qudsi: “Ang sinumang gumawa ng isang gawain alang-alang sa Akin at sa itinatambal niya sa Akin, iiwan ko siya kasama ng kanyang mga ginawa.”

3.      Kailangang magkaroon ka ng takot at maging matapat  kay  Allah sa lahat ng sandali yaman din lamang na walang anumang bagay  na nalilingid sa kanya maging sa lupa man o sa langit.

 

2.  Ang Shirk at ang Tawheeed

 

Ang sabi ni Allah: “Tunay na ang shirk (Pagtatambal kay Allah ) ay  isang malaking kawalan ng katarungan. (31:13 )

 

“At naipahayag sa iyo (Muhammad) at gayon din sa mga nauna sa iyo, na kung ikaw ay magtatambal kay Allah ay totoong mawawalan ng saysay ang iyong mga gawa at ikaw ay mapapabilang sa mga talunan.” (39:65)

 

“Nilalang Ko  lamang  ang jinn at ang tao upang Ako’y kanilang sambahin.” (51:56)

 

At nagpadala kami sa bawat bansa ng sugo na (ang ipinangangaral ay): “ Sambahin ninyo si Allah at iwaksi ninyo ang mga diyus-diyosan.” ( 16 :36 )

 

Ayon kay Jabir (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: ‘Ang sinumang makatagpo si Allah nang hindi niya ito tinatambalan ng anuman ay papasok sa paraiso. At ang sinumang makatagpo si Allah nang tinatambalan niya ito ng anuman ay papasok sa Impiyerno.

 

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ng Allah (SAS) na:  Pangilagan ninyo ang pitong mortal na kasalanan. Ang sabi nila,’O Sugo ni Allah, anu-ano po ang mga iyon?’ Ang sabi niya, ‘Ang Pagtatambal kay Allah,……’

 

Ayon kay Mu’adh bin Jabal (RA): Habang ako noon ay nakaangkas sa likuran ng Propeta (SAS) nang siya ay nakasakay sa isang asno, sinabi niya (sa akin), ‘O Mu-adh, nalalaman mo ba ang karapatan ni Allah sa mga tao at ang karapatan ng mga tao kay Allah?  Ang sabi nito, ‘si Allah po at (kayo na) Kanyang Sugo ang higit na nakaaalam.’ Ang sabi niya (SAS), ‘ Karapatan ni Allah sa mga tao na Siya lamang ang sambahin nila at hindi tambalan ng anuman at karapatan naman ng mga tao kay Allah na hindi Niya parurusahan ang sinumang hindi nagtatambal ng anuman sa Kanya……’

 

Ang mga Aral

 

1.      Ang shirk ay mapanganib at hindi ito mapapatawad kung hindi pagsisisihan. Ito ay hindi katulad ng ibang mga kasalanan na maaaring mapatawad  kung nanaisin ni Allah.

2.      Ang sinumang mamatay na ang kasalanan ay shirk, mawawalan ng saysay at halaga ang kanyang gawa. Ang shirk ang dahilan kung bakit mananatili ang isang tao sa impiyerno magpakailanman.

3.      Ang Tawheed (Pagsamba kay Allah lamang ) ang siyang dahilan kung bakit   nilalang ang jinn at ang tao at ito rin ang pinakapangunahing dahilan ng pagpasok sa paraiso at ang dahilan ng kaligtasan sa Impiyerno.

 

 

3.  Ang Panganib ng Pagpapakitang-tao

      Sapagkat Ito’y Isang Uri ng Shirk

 

Ang sabi ni Allah: “Kaya kapighatian sa mga (ipokritong)nagdarasal, inaantala ang kanilang dasal, na gumagawa ng mabuti upang makita lamang (ng mga tao), ngunit tumatanggi namang magbigay ng katiting na tulong”. (107: 4 –7 )

 

Ayon kay Abu Sa’eed bin Fudalah (RA): Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabing: Kapag tinipon na ni Allah ang buong sangkatauhan sa araw ng paghuhukom, ang araw na walang alinlangang darating, may isang mananawagan na magsasabing; ‘Ang sinumang gumawa alang-alang kay Allah at sa anumang itinambal niya kay Allah. Si Allah ay hindi nangangailangan ng mga katambal.

 

Ayon kay Abu Sa’eed Al-Khudree (RA): Pumunta sa amin ang Sugo ni Allah (SAS) habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa bulaang Kristo (Al-Maseeh AD-Dajjal) at ang sabi niya (SAS), ‘ Hindi ba’t nais ninyong ipagbigay-alam ko sa inyo ang sa tingin ko’y lalong nakatatakot para sa inyo kaysa  sa bulaang Kristo?’ Kaya ang sabi namin, ‘Opo, Sugo ni Allah.’ Ang sabi niya, ‘ Ang tagong shirk. ( Ang halimbawa nito ay) kapag nagsasagawa ang isang tao ng Salah ay pinagaganda niya ang pagsasagawa kapag nakita niyang may nakatingin sa kanya.’

 

Ang mga Aral

 

1.Ang lahat ay binibigyang-babala laban sa pagpapakitang-tao at ang mga   nagpapakitang-tao ay binibigyan ng mariing banta.

2.Ang tao ay maaaring makagawa ng pagpapakitang-tao nang hindi niya namamalayan, kaya dapat maging maingat.

3.Ang gawa ng nagpapakitang-tao ay tatanggihan at hindi katanggap-tanggap..

4.Ang pangamba ng Propeta (SAS) na ang kanyang mga kasamahan (SAHABAH) ay magkakasala ng pagkakasalang pagpapakitang-tao, sa kabila ng lahat na sila ang pinakamainan na nilikha matapos ang Propeta, ay nagpahiwatig kung gaano kapanganib ang pagpapakitang-tao.

 

4.  Ang Panalangin

 

Ang sabi ni Allah: At ang sabi ng iyong Panginoon, ‘ Manalangin kayo sa akin, diringgin  Ko kayo.’ ( 40 : 60 )

 

At kapag tatanungin ka ng Aking mga lingkod hinggil sa Akin (ay sabihin mo sa kanila), ‘ Ako’y malapit. Dinidinig Ko ang panalangin ng nananalangin kapag siya ay nanalangin sa Akin.’ ( 2 : 186 )

 

Manalangin kayo sa inyong Panginoon nang taimtim at palihim. Hindi Niya minamahal ang mapagmalabis ( sa panalangin ). ( 7 : 55 )

 

Ayon kay Nu’amn bin Basheer (RA), sinabi ng Sugo na: Ang tao ay nagiging napakalapit sa kanyang Panginoon habang siya ay nakapatirapa. Kaya damihan ninyo ang panalangin habang nakapatirapa.

 

Ayon kay A’isha(RA): Ang gustong panalangin ng Sugo ni Allah (SAS) ay ang maikli at makahulugan at ang maliban pa rito ay hindi niya ginagawa.

 

Ayon kay Ubadah bin AS-Samit (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Walang lingkod na Muslim na nananalangin ng isang panalangin na hindi ibinibigay ni Allah sa kanya ang kanyang hinihingi, o inilalaan ni Allah ukol  sa kanya para sa kabilang buhay  ang higit na  mainam kaysa  sa kanyang ipinapanalangin, o ilalayo Nito sa kanya ang isang masamang bagay na katumbas  ng idinadalangin niya, hangga’t  hindi siya nananalangin ng masama o ng ikasisira ng ugnayang pampamilya.

 

Ayon pa rin sa kanya, sinabi ng Sugo ni Allah (SAS): Ang panalangin ng isang Muslim para sa kanyang kapatid (sa pananampalataya), habang ito ay wala, ay dinidinig. Sa tabi ng kanyang ulo ay may isang anghel na nakatalaga (upang magsabi ng Amen). Sa tuwing manananalangin siya ng mabuti para sa kanyang kapatid, ang sinasabi ng nakatalagang anghel ay: ‘Amen. At sumainyo ang katulad ng ipinanalangin mo.’

 

Ang mga Aral

 

1.      Ang panalangin ay pagsambang hindi maaaring ibaling sa iba maliban kay Allah. Ang sinumang magbaling ng panalangin sa iba maliban sa Allah ay nagtambal kay Allah. Dapat mabatid na ang panalangin ay may dakilang kalagayan dahil itinuturing ito ng Sugo (SAS)  na pagsamba o pinakadakilang uri ng pagsamba.

2.      Higit na mainam na hinaan ang tinig sa pananalangin. Mainam ding manalangin sa pamamagitan ng mga pangungusap na malaman--- ang panalanging gumagamit ng kaunting salita ngunit puno ng kahulugan.

3.      Ang tao ay pinaaalalahanang huwag manalangin laban sa kanyang sarili, pag-aari o anak.

4.      Mainam ang manalangin para sa mga kapatid na Muslim habang sila ay wala.

5.      Kapag nananalangin ang isang tao, hindi nangangahulugang matutupad kaagad ang kanyang hinihiling. Maaaring ilayo sa kanya ang isang masamang bagay na katulad ng idinadalangin niya upang  ilayo sa kanya o ang katuparan ng kanyang panalangin ay ilalaan sa kanya  sa kabilang-buhay  at saka ibibigay sa araw na iyon na  higit niyang kailangan.

6.      Ang pagkain o paggamit ng mga bagay na nabili ng  salaping galing sa ipinagbabawal (gaya ng sugal, nakaw, at iba pa) ay ilan sa mga nagsisilbing sagabal upang matugon ang panalangin.

 

4.     Ang Karunungan

 

Ang sabi ni Allah: “ Sabihin mo, ‘Magkapantay ba ang mga nakaaalam at ang mga hindi nakaaalam?’ ( 39 : 3 )

 

Itinaas ni Allah ang mga antas ng mga sumasampalataya sa inyo at ang mga pinagkalooban ng karunungan. (58 :11)

 

At sabihin mo, ‘ Panginoon ko, dagdagan Mo po ang aking karunungan.’ (20:114)

 

Ang natatakot lamang kay Allah, sa Kanyang mga lingkod, ay ang mga may karunungan. (35 :27)

 

Ayon kay Mu’awiyah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS)na: Kapag ninais ni Allah ang kabutihan sa isang tao, bibigyan niya ito ng karunungan sa Relihiyon .

 

Ayon kay Anas (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang sinumang magturo ng isang karunungan, kakamtin niya ang katulad ng gantimpala ng taong gumawa ayon sa kanyang itinuro ngunit walang mababawas sa gantimpala ng taong iyon.

 

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Kapag namatay ang anak ni Adam (tao), humihinto ang kanyang gawa maliban sa tatlo, kawanggawa na tuloy-tuloy (na kanyang naiwan), o karunungang napapakinabangan (na kanyang naiwan), o mabuting anak na nananalangin para sa kanya.

 

Ayon kay Sahl bin Sa’d (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Isinusumpa ko kay Allah, ang mapatnubayan ni Allah ang isang tao sa pamamagitan mo ay higit na mainam kaysa sa pinakamahal na ari-ariang (maaaring ariin ng isang tao.)

 

Ayon kay Abdullah bin Amr bin Al-Ass (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Iparating ninyo ang tungkol sa akin, kahit na isang talata lamang ng Qur’an.

 

Ang mga Aral

 

1.      Inilalahad sa mga talata ng Qur’an at mga Hadeeth na nabanggit ang kahalagahan ng karunungan at ng mga may karunungan. Na kapag ninais ni Allah ang kabutihan sa isang tao, bibigyan Niya ito ng karunungan sa Relihiyon. Na ang paghahanap ng karunungan ay isa sa mga dahilan ng pagpasok sa paraiso.

2.      Malaki ang gantimpala sa pagtuturo sa mga tao, pagpatnubay sa kanila sa kabutihan, at pagpaparating sa kanila ng karunungan kahit kaunti lamang.

3.      Na ang paghahanap ng karunungan ay higit na mainam kaysa sa mga pagsambang hindi sapilitan.

4.      Maging masigasig na palakihin ang mga bata ayon sa Islam.

 

6.  Ang Pag-aatas sa Mabuti at ang Pagbabawal sa Masama

 

Ang sabi ni Allah: Kayo (mga mananampalataya) ang pinakamainam na bansang pinalitaw sa sangkatauhan. Iniaatas ninyo ang mabuti at ipinagbabawal ninyo ang masama at sumasampalataya kayo kay Allah.” ( 3 :110 )

 

“Dapat magkaroon mula sa inyo ng pangkat ng mga tao na mag-aanyaya sa kagalingan at mag-aatas sa mabuti at  magbabawal sa masama. At ang mga iyon ang mga matatagumpay.”  (3 : 104 )

 

Ayon kay Abu Sa’eed Al-Khudree (RA), narinig niya ang Sugo ng Allah na nagsabing: Sinuman sa inyo ang makakita ng masama, baguhin niya iyon sa pamamagitan ng kanyang kamay. Ngunit kung hindi niya magagawa, (baguhin niya) sa pamamagitan ng kanyang dila. (Ang ibig sabihin ay pagsabihan niya ang gumagawa ng masama). Ngunit kung hindi pa rin niya magagawa, isapuso na lamang niya na iyon ay masama, at  iyan ang pinakamahinang pananampalataya.

 

 

 

Ayon kay Hudhayfah (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Nanununumpa ako kay Allah na may hawak ng aking kaluluwa, dapat ninyong iatas ang mabuti at ipagbawal ang masama at kung hindi, di-maglalaon ay padadalhan kayo ni Allah ng parusang buhat sa kanya at kung kayo  man ay manananalangin, hindi kayo diringgin.

 

Ayon kay Abu Bakr As-Siddeq (RA), narinig niya ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabing: Tunay na kapag hindi  pinigilan ng mga tao ang sinuman na  nakita nila na gumagawa ng masama, silang lahat ay halos sama-samang parurusahan ni Allah.

 

Ang mga Aral

 

1.      Ang pag-aatas sa mabuti at ang pagbabawal sa masama ay  isang dahilan ng tagumpay.

2.      Tungkulin ng sinumang makakita ng masama na iyon ay kanyang baguhin ayon sa kanyang kakayahan.

3.      Ang pagtakwil sa masama sa pamamagitan ng kamay (lakas ) ay tungkulin ng sinumang nagtataglay ng kapangyarihan tulad ng ama sa kanyang tahanan o ng isang pinuno ng sinumang pumapangalawa sa kanila.

4.      Sa pagtatakwil sa masama sa pamamagitan ng puso, kailangang kasuklaman at layuan ang masama.

5.      Ang pagtalikod sa pag-aatas sa mabuti  at pagbabawal sa masama  ay isang dahilan kung bakit nahahadlangang matugon ang panalangin at ito ay isa ring dahilan kung bakit nagpapadala si Allah ng parusa.

 

7.    Ang Wastong Paraan ng Pag-aatas sa  Mabuti

 at  Pagbabawal sa Masama

 

Ang sabi ni Allah: Mag-aanyaya ka sa landas ng iyong Panginoon (Islam) sa pamamagitan ng wastong kaalaman at magandang pangangaral at makipagtalakayan ka sa kanila sa paraang pinakamaganda. (16 :125 )

 

At dahil sa habag buhat kay Allah, naging banayad ang iyong pakikitungo sa kanila, at kung nagkataon na ikaw ay naging mabagsik at matigas ang puso, magsisilayo sila sa iyong paligid. ( 3 :159 )

 

Ayon kay A’ishah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na: Tunay na si Allah ay mabait at ibig Niya ang kabaitan sa lahat ng bagay.

 

Ayon pa rin kay A’ishah (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang anumang bagay ay gumaganda kapag sinamahan ng kabaitan at ito ay pumapangit kapag inalisan ng kabaitan.

 

Ayon kay Jareer bin Abdullah(RA), sinabi ng Sugo (SAS) na: Ang sinumang napagkaitan ng kabaitan ay napagkaitan ng lahat ng kabutihan.

 

 

Ang mga Aral

 

1.      Ang isang Muslin ay hinihimok na maging mabait at gamitin ang dunong sa pag-aanyaya sa Islam at sa pag-aatas sa mabuti at pagbabawal sa masama.

2.      Ang paggamit ng kabagsikan sa mga tao ay maaaring maging dahilan ng  hindi nila pagtanggap sa katotohanan

 

8.  Ang Pagiging Mabuti sa mga Magulang

 

Ang sabi ni Allah: At itinagubilin namin sa tao na maging mabuti sa kanyang mga magulang… (29 :8 )

 

At iniatas ng iyong Panginoon  na wala kayong sasambahin kundi Siya lamang  at (inatasan Niya rin kayo ) na maging mabait sa mga magulang. Kung ang isa sa kanila  o kapuwa sila ay dinatnan ng katandaan sa iyong piling huwag mo siyang pagsalitaan ng lapastangang pananalita at huwag mo silang bulwayan sa halip ay kausapin mo sila sa pamamagitan ng mapitagang pangungusap. (17 :23 )

 

At itinagubilin namin sa inyo  na (maging masunurin at mabuti ) sa mga magulang. Ang kanyang ina ang nagdala sa kanya ( sa sinapupunan nito) na nanghina ng nanghina (noong siya’y ipinagbubuntis) at ang pag-awat sa pagpapasuso sa kanya ay tumagal ng dalawang taon. (Kaya) magpasalamat ka sa Akin (Allah) at sa iyong mga magulang… ( 31 : 14 )

 

Ayon kay Abdullah bin Mas’ood (RA): Tinanong ko ang Propeta (SAS): “Ano pong gawain ang pinakamainam?” Ang sabi niya: “Ang pagsasagawa ng Salah sa takdang sandali nito.” Ang sabi ko: “Ano pa po?” Ang sabi niya: “Ang paggawa ng mabuti sa mga magulang.” Ang sabi ko muli: “ Ano pa po?”Ang sabi niya: “Ang pakikipaglaban (Jihad) alang-alang  kay Allah.”

 

Ayon kay Abu Hurayrah (RA): May isang lalaking dumating at nagsabi sa Sugo ni Allah na: “ o Sugo ni Allah’ sino po sa mga tao ang higit na karapat-dapat sa aking magandang pakikisama? Ang sabi niya (SAS): “Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (SAS): “ Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (SAS): “ Ang iyong ina.” Ang sabi muli ng lalaki: “Sino pa po?”Ang sabi niya (SAS): “ Ang iyong ama.”

 

Ang mga Aral

 

1.      Malaki ang paggalang ng Islam sa mga magulang at ipinag-uutos nito sa isang Muslim na sundin ang kanyang mga magulang  at hinihimok  din siya na maging mabuti sa kanila.

2.      Ang pinakaibig ni Allah sa lahat ng mga gawain matapos ang Salah na isinagawa sa takdang sandali nito ay ang paggawa ng  mabuti sa mga magulang.

3.      Ang isang Muslim ay binibigyan ng isang mariing babala na huwag maging suwail sa mga magulang, huwag maging magaspang sa pakikipag-usap sa kanila, at huwag  silang pagmaktulan.

4.      Ttinalakay rin dito na sa pagiging mabuti at masunurin sa mga magulang ang ina ay una kaysa sa ama.

 

9.         Ang Kagandahang –Asal

 

Ang sabi ni Allah: At tunay na ikaw  (Muhammad) ay nasa mataas na antas ng kaasalan.” (68 : 4 )

 

At dahil sa habag mula kay Allah , naging banayad ang iyong pakikitungo sa kanila. At kung nagkataong  ikaw ay mabagsik at matigas ang puso, magsisilayo sila sa iyong  paligid.  ( 3 : 159 )

 

Ayon kay Abu Darda (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Wala nang bagay na higit pang mabigat sa  timbangan ng  mananampalatayang lingkod ni Allah  sa Araw  ng paghuhukom  kaysa sa kagandahang –Asal. Kinasusuklamaman  ni Allah ang  nagsasalita ng mahalay at masama.

 

Ayon sa sinabi ni Abu Hurayrah (RA): Tinanong ko ang Sugo ni Allah (SAS) kung ano ang pinakamaraming sanhi ng pagpasok ng mga tao sa Paraiso. At ang sabi niya (SAS), ‘ Ang Takot kay Allah at kagandahang-asal.’

 

Ayon kay Abu Hurayrah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na; Ang may pinakaganap na pananampalataya na kabilang sa mga mananampalataya ay  ang may pinakamagandang-asal sa kanila. At ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa kanilang mga may-bahay.

 

Ayon kay A’ishah (RA), narinig niya ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsabing:  Maaabot ng mananampalataya sa  pamamagitan ng kanyang mabuting asal ang antas ng tao na laging nagdarasal ( ng mga  pagdarasal na di-sapilitan ) at laging nag-aayuno ( ng mga pag-aayunong hindi sapilitan ).

 

Ang mga Aral

 

1.      Inilalahad dito ang kagandahang-asal ng Sugo (SAS).

2.      Ang kagandahang-asal ay mahalaga.At ito rin ang isa sa mga dahilan ng pagpasok ng tao sa paraiso at kung bakit itinataas ang kanyang antas. Ang lahat ng mga gawa ay titimbangin sa Araw ng paghuhukom at ang pinakamabigat sa timbangan ng  isang  Muslim ay ang kanyang pagkatakot kay Allah at ang kanyang kagandahang-asal.

3.      Hinihimok ng Islam ang Muslim na maging mabuti sa salita at sa gawa at nagbibigay-babala ito  laban sa masagwang salita at gawa.

4.      Mahalaga ang mabuting pagsasama ng mag-asawa.

5.      Ang pananampalataya (Iman) ay nadadagdagan sa pagsunod kay Allah at nababawasan sa paglabag sa Kanya.

 

10. Ang kahinahunan at Kabaitan

 

Ang sabi ni Allah: At dahil sa habag mula kay Allah, naging banayad ang iyong pakikitungo sa kanila.At kung nagkataong ikaw ay mabagsik at matigas ang puso, magsisilayo sila sa iyong paligid. ( 3:159 )

 

Ayon kay A’ishah (RA), sinabi ng Sugo ni Allah (SAS) na : Tunay na si Allah  ay mabait at ibig Niya ang kabaitan sa lahat ng bagay.

 

Ayon kay Ibnu Abbas (RA),ang Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi kay Abul Qays Ashajj  (RA) na: Ikaw ay nagtataglay ng dalawang katangiang  gusto ni Allah: ang pagtitimpi at ang kahinahunan.

 

Ayon kay A’ishah (RA), sinabi ng Propeta (SAS) na: Ang anumang bagay ay gumaganda kapag sinamahan ng kabaitan at ito ay pumapangit kapag inalisan ng kabaitan.

 

Ayon kay Jareer bin Abdullah (RA), sinabi ng Sugo (SAS) na: Ang sinumang napagkaitan ng kabaitan ay napagkaitan ng lahat ng kabutihan.

 

Ang mga Aral

 

1.      Ibig ni  Allah ang kabaitan at ito ang dahilan ng paglapit ng mabuting bagay.

2.      Ang kabaitan at kaluwagan sa pakikitungo sa kapuwa ay ilan sa mga katangian ng mga taong karapat-dapat sa paraiso.